Friday, October 30, 2009

Pilipinas, Bumangon ka!

Nababalutan ng kadiliman; Naliligiran ng kaguluhan; Mga taong walang pakialam at makasarili; Mamamayang uhaw sa kasaganaan at kaunlaran;Kabataang ngayon ay naliligaw sa tamang landas, masisilayan kaya nila ang umaga, isang umagang punung-puno ng pag asa? Ito ang kasalukuyang larawan ng bayang tinaguriang “Perlas ng silangan”.

Lumipas ang ilang dekada ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakaaahon mula sa kalugmukang kahirapan ang mga Pilipino. Masakit mang sabihin na tayo’y manhid at tila nag bubulag-bulagan sa nakaratay na katotohanan. Ngunit dapat na tayong mabahala, sapagkat sa bawat isa sa atin ang tumitigil sa pag-aaral, hahantong sa puntong hihinto rin sa pag inog ang mundo. Akoy nadidismaya sa patuloy na pag salubong sa’tin ng mga maliliit at maruruming paang nakalahad ang mga palad na sana ang hawak ay papel at lapis – kahirapang hindi nag patungtong sa paaralan sa halos milyung-milyong kabataan. Ngunit hindi ito sagwil upang makamit ng bawat isa ang matamis na tagumpay.

H’wag natin biguin si Rizal nang dahil lamang sa’ting katamaran, hindi rin tamang gawing dahilan ang kahirapan!

H’wag nating ipagsawalang bahala ang mga pangarap at kagalingan ng mga kabataan, bagkus, tayo’y magsikap at buong pusong pagmamalaki, “tayong mga kabataan ang babago sa sariling bayan”.

May pag-asa pa. AKO, KAYO, TAYO! Na sa’ting mga nag aalab na damdamin ang pag-asang muling uusbong ang bansang salat sa karangyaan, kasabay ng pag-ahon ni Inang Bayan sa pagkakadapa mula sa putik ng karungisan at kahihiyan.

Bilang kabataang Pilipino, tayo ang lalagot sa tanikalang naghihirap sa ating Inang Bayan at s’ya ring tutulong upang alisin ang mga sapot at kalawang na pumipigil sa ating bayan sa pag-unlad. Sapagkat ako’y naniniwalang “ang kulimlim na ulap ay lagi nang nahahawi upang bigyang laya ang haring araw sa muling pagsikat nito.

4 comments:

synchlove said...

Bilang kabataang Pilipino, makikiisa akosa pagbabago!!!

roch:] said...

hahahaha.makata prin!

briina said...

ang kaTa nG loko. ahaAhaA

rochelle^^ said...

i love you po ^^